"A relationship isn't going to make me survive,
it's the CHERRY on top."

Saturday, May 31, 2008

Para sa tulad mong PLASTIC

"Nakakainis ang mga taong PLASTIC.
amp.
di naman ako plastik sa kanya.
kainis.
sabagay...
hindi ko siya gustong maging kaibigan."

admire

Tuesday, May 27, 2008

baby verna :)

May 28, 2008

WHAT: Verna Marie Privado Quinto was born. She was only 1.29 kgs. Premature baby, delivered at her 8th month. :D
WHEN: May 22, 2008 - 2:30 pm
WHERE: Philippine Children's Medical Center, Quezon Ave., Quezon City

=additional details next time=

Sunday, May 25, 2008

Ala-ala






Sampaguita Residence Hall (Front View)
2nd sem (AY 07-08)
home sweet dorm











Rakestra Ticket
my first UP fair













Crystal Clear Mineral Water
free











May naalala talaga ako na tao kapag tinitignan ko ang mga pictures na to. Lalo na kapag nakikita ko ang Sampa, nahahawakan ang old UP Fair ticket, at umiinom ng mineral water. Hindi ko alam ang nararamdaman ko kapag naaalala ko siya. Inis. Asar. Tawa. Nakakamiss din minsan. Pero kapag naaalala ko ang taong iyon, iniisip ko na lang, "Magpaparamdam din un."
Ugali kasi niya ang....
Lulubog, Lilitaw.

cjbu

Sunday, May 18, 2008

Nakita ko si DESTINY for the 2nd time! :)

May 18, 2008

Paano malalaman kung sino may-ari ng....
.....Motor (or scooter ba yun?) na ang plate no. ay YK 1247??? Siya kasi si DESTINY ko. haha. (Alam kong may magrereact na dalawang loveless na gal jan dahil sa pagtawag ko sakanyang DESTINY. Haha.. Sorry na lang kayo, nagpapantasya din naman ako. hihihh.)

Actually, sure kaming sa mabuhay city din siya nakatira. Sa aming "mahal" na subdivision. First time ko (i mean namin tatlo nila grayz and lhot) nakita si DESTINY nung nagsimba kami (3weeks ago?! not that sure.) sa St. Vincent Ferrer Church sa Mamatid. Papalabas na kami nun eh. After ng last mass ng Sunday, mga past 7pm, habang naglalakad kami papalabas ng simbahan may nakatawag-pansin sa kin na guy. Pangungunahan ko na kayo. Hindi siya chinito. Haha. Ang amo ng eyes niya. May naaalala tuloy ako. Yung elem boy friend... eerr classmate ko. haha. Nikko name. Anyways, si DESTINY ay matangkad. Presentable. Medyo maputi. BF material. Muakng *maandah. Haha. At parang matanda sakin. Yun ay mga impressions ko lang naman sa kanya nung una ko siyang nakita.

Back to the story, papalabas na nga kami nun. Pero medyo malapit pa rin sa door ng church. Sa may paradahan ng mga scooter/motor, may isang guy na naka-black at nakasakay din sa black motorbike. Kala ko kung sino ang tinitingan ng dalawa kong kasama, yun pala, siya din. Imaginin nyo na lang na parang nagulat din siya kasi nakita niya kaming tatlo na nakatingin sa kanya. Kaya umiwas na ko kagad ng tingin. Pagkasulyap na pagkasulyap ko kay DESTINY, tingin kagad ako sa plate no. ng kanyang motor. YK 1247. Haha. Natuwa talaga ko. Sabi ko sa sarili ko, pag natripan ko, hahanapin kita.

Naglakad na kami pauwi. Trip kasi naming gawin yun eh, tapos susugod kami sa bahay ng isa pa naming barkada, si Marga (Mhurga din.haha). Pero that moment, naglakad kami para abangan si DESTINY. At dumaan nga siya sa may amin. :) haha. Tumigil pa siya sa harap ng isang "ktv bar", kaya nasilayan na naman namin siya. Di naman siya nagtagal sa harap. Parang may hinihintay na ewan. Direrecho lang kami nung daanan namin siya. Parang kunwari wala kaming nakita na **kahoy. haha. Tapos un nga, umalis na rin siya.

At eto na nga. Nagsimba ko ng solo. Pero siyempre, lilingon-lingon ako habang nasa loob ng simbahan para maghanap ng kasama. Nakita ko si ***yaya. Edi nilapitan ko ang lukaret. Tapos daw, nung pagkatapos ng communion, may nakita daw si yaya. Familiar face. Guy. Tapos nung papalabas na ulit kami, parang naulit lang ang mga pangyayari. May nakita kaming guy na nakawhite, nakasakay sa red motor, kahoy at familiar ang face. Aba. Aba. Si ano toh eh.... si DESTINY!!!! :) :)
Para makasigurado, tiningnan ko ang plate no. ng motor. YK 1247. BINGO! :)

Nagtataka man kami kung bakit naiba na ang kulay ng motor niya, keri lang. Haha. Masaya naman kaming umuwi ni yaya. Naglakad ulit kami papauwi para salubungin este manmanan siya, at sa pagkakataong ito, ako na lang ang nakakita sa kanya. Haha. Swerti. :) Para ngang lumingon pa siya sakin, i mean samin, haha.. dahil siguro natatandaan niya din kami kahit papano. Kami yung mga stalkers mo kuya, haha. Kung pwede lang ipagsigawan eh. Joke. :p

May nag-invite samin sa Singles for Christ. Gustong-gusto ko sumali talaga dito. Hindi para magbakasakali na nanundun si DESTINY. (oh well, sige na nga, haha.. pwede na ring dahilan un!) pero ewan. Gusto ko talaga maging active ulit sa simbahan. Namimiss ko kasi ung sa Legion of Mary ko dati. Anyways, sa May 25 ung parang orientation nun. Sana makapunta ko. Tska ang mga katrinity ko. At sana (to the nth power) pati si kuya YK 1247 pumunta dun. haha. :) :) :)

Un lang! :)

*word namin para sa mayaman, mapera
**katawagan namin sa mga guys na maitsura, ma-appeal, or in-short gwapo
***tawag namin kay lhot dahil si grayz ay si angelina, ang spoiled. ako daw si madam. heuf. kami ang trinity. haha! :p

Thursday, May 15, 2008

Para kay Kuya (OO. Kuya ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus)

May 15, 2008

Dear Kuya,

Hay. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sulat ko sayo. Since wala nga akong kuya, mag-iimagine na lang ako na nasa loob ako ng bahay nyo kuya. (Korni ba? Bahala kayo humusga. Di ko lam kung masaya ba maging part ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus, either maging housemate or di kaya ay maging houseplayer. Pero minsan, dinadasal ko din na sana nasa loob na lang ako ng bahay nyo. Bakit? (Hindi man ako kasing galing ni Shy, or kasing ganda ni Nicole, or kasing pranka ni Priscilla, or kasing charming ni Valerie may kaya naman akong patunayan na hindi nila kaya.) Whatever! I mean, sasabihin ko ang dahilan ko sa ibaba.) Sayo na lang ako magsasabi ng mga nararamdaman ko ngayon.

Una sa lahat, magiging pranka na po ako. Ayoko sa family ko, at ayaw rin ng family ko sa akin. In particular, parents ko, specially si papa at recently si mama. Ang mga kapatid ko rin, ayaw sa'kin dahil sa ugali ko. Yun ang tingin ko talaga. Pero siyempre, opinyon ko lang yun. Pano ko nasabi? Ikwekwento ko na lang po. Eldest ako among five siblings. At yun ang tingin kong "root" of my "so-called problem." Alam kong selfish ako dahil puro side ko lang ang mababasa nyo dito. Oh well, ngayon lang to. Kaya susulitin ko na. Ayoko maging panganay. Alam nyo kung bakit? Lahat ng sisi at pagkakamali, sa 'kin nabubunton. Konting galaw, konting mali, nakikita kagad. Minsan naiisip ko nga, kung masama talaga akong anak, lalayasan ko na lang sila at magpapakalayo. Magpapaka-independent ako. Pero siyempre, HINDI AKO GANUN.
Mahal ko pa rin ang family ko kahit ganun. At most importantly, AYAW KO MASIRA ang future ko. MAHAL NA MAHAL ko ang sarili ko. At hindi ako tanga para gawin yun. Natatawa na lang din ako sa ibang tao na suicide ang sinasagot sa ganitong problema. Tanga sila. Para sa'kin, ang pagkitil sa buhay na binigay at niregalo sa atin ng panginoon ang pinakamalalang kasalanan. Halata nyo ba na may takot pa rin ako sa Diyos? Siyempre naman. Magmamadre na lang ako, diba Ralphy? Pero siyempre alam kong itatakwil ako sa kumbento.

Back to reality, ayoko nga ulit maging eldest. Kasi ako lang ang inaasahan ng family ko na mag-uuplift sa aming damn financial condition. Ok. Ok. Kakayanin ko naman yun eh. Ang kaso lang, hindi ba unfair ung parang wala ka ng natatanaw na iba pang gagawa nun paglaon? I mean, sige, handa naman akong magtapos ng college, mag-aral ng sobra-sobra kahit hirap na hirap na ko sa acads, maghanap ng work para makaipon for my tuition or sa kahit ano pang gastusin, magpaaral ng mga kapatid kung kaya ko na, maghulog para sa dream house ko..etc. Ang ayoko lang eh wala talaga kong nakikitang pagbabago sa mga kapatid ko. Yung sumunod sa kin, si Jojo, supposedly high school na sya. Kaso ayaw mag-aral. Hindi ko alam kung bakit. Mayroon daw phobia sa teachers. Parang sakit na ata un. Ewan. Tas ayun. Taong-bahay lang siya lagi. Sumunod sa kanya, si CJ, graduating na sana ng elementary (kaso tumigil din pero mag-aaral daw sa june), mejo matino naman sa acads kaso talagang AYOKO ng ugali niya. Salbahe. Mabibilang mo sa daliri ng kamay kung ilang beses lang kami nagkasundo. Sunod eh si Bernard, pasaway din yun. Siya ang lagi kong nababatukan. Pano ba naman sumasagot na rin sa akin. Amp. Last si Maridel. Magfi2ve years old lang sya sa October, at sabi nga nila, ang pinaka-kamukha ko daw sa magkakapatid. Sinusubukan kong maging ok sa kanya kaso, mas madaling alagaan si Jansen (pinsan at inaanak ko, anak ni tita adel) kesa sa kanya. Pero walang kaso kay Dilel. Ang pinagngi-ngitngit ko eh ang brothers ko. Bahala sila sa buhay nila pag nainis ako. Isa na nga lang ang hiling ko sa kanila eh, gumalang at mag-aral! Kaso ewan. Ewan! Sana may big bro na lang ako para siya na ang bahalang umayos sa problems naming magkakapatid. Kaso wala nga. Ngayon alam mo na kester kung bakit ayokong nagkwekwento about my brothers. Sana nextime na kulitin mo ko na ipakita ang picture nila, nabasa mo na tong blog na to para di mo na ko kulitin.

Next issue, ang tuition ko at acads. Si tita adel ang nagtutuition sa kin. Ang pinaclose at pinakapinagkakatiwalaan kong tiyahin. Kaya naman nung nalaman kong june ang delivery niya at june ay pasukan ko, medyo naiyak talaga ko. San ako maghahanap ng pantuition? WTF. Siyempre, masayang-masaya kong magkakababy na si tita. Kaso, ayun... nahihiya na talaga ako sa kanya manghingi ng pantuition kaya't ngtry ako maghanap ng job this summer para makaipon. Unfortunately, underage pa ko kaya wala ko mahanap na suitable job for me. Tska part-time lang naman hanap ko. Puro full time kasi kelangan ng companies na inapplyan ko. Malas. Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi parents ko ang naghahanap ng paraan para sa tuition ko. Ewan din eh. Ang alam ko lang, fish vendor si mama, machine operator naman si papa. Kayo na ang magmath ng annual earnings nila. Hindi sapat yun sa tuition, baon, gastusin ko at ng family namin for the whole year. Kulang. Eh wala e. UNFAIR talaga ang buhay. Pero sana, sana lang... marunong silang dumiskarte. Para di na kami aasa kay tita. Wala akong karapatang sabihin sa kanila yun dahil ako'y hamak na anak lang nila. Kung hindi sa kanila, wala ako sa mundo ngayon. Nung naconfine si tita ng ilang linggo sa ospital dahil sa gall stone niya, dasal ako ng dasal na maging maayos ang lahat. Siyempre dahil mahal ko din ang tita ko. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.
Hindi ko alam kung may tiwala sa kin si tita. Sana meron. Na kakayanin ko ang lahat para makatapos ng pag-aaral. Na isasantabi ko ang ibang mga bagay for my studies. Na magiging totoo ako sa kanya kahit ano ang mangyari sa kahit anong bagay. Kahit sa "so-called" lovelife na yan na wala naman ako. Dahil puro pagpapantasya lang ako ngayon. Malapit na naman ang 1st sem at hindi ko pa talaga alam ang mangyayari sa akin. Dahil sa pesteng math na yan. Na mahal na mahal ko. Kaso, kinasusuklaman ako. Kaya aalis na ko sa course ko. Pupunta ko sa course na tatanggap sa kin.. sa 2nd choice ko. Eto ang dahilan kung bakit nag-iiyak ako sa swimming natin, daddy dek, grayz, and lhot.

Mahaba na ang blog na to. Este sulat pala para sayo kuya. Kaya medyo tatapusin ko na. Hindi ako perpektong tao. Alam ko yun. May masama din akong side kaya nagkakaproblema din kami ng pamilya ko. Tanggap ko un. Handa akong magbago. Kailangan ko ay isang taong makikinig sa king mga hinaing at problema. Masasandalan. At magdidisiplina sa akin. Kaya gusto kong pumasok sa bahay mo kuya eh. Hindi para makaiwas panandalian sa mga problema ko or gumugulo sa isipan ko, kundi para makahinga ng konti. Nasasakal na ko minsan eh. Umiiyak na lang ako. (Oo. Sa ganitong mga issue, I admit it. I'm very, very weak.) Hindi solusyon ang alak. Mas gusto ko pa ang lasa nmg sobrang tapang na kape dun eh. Kaya yun ang ginagawa kong pampakalma. Or ice cream. At para maranasan kahit panandalian lang ang maging housemate. Gusto ko rin pumasok para makasama ko si robi. :)

Ayun lang po. Salamat sa nilaang oras sa inyong pagbabasa. Sana hindi na mapasa sa iba ang mga issueng ito. Ayoko din po kasi sa lahat ang mga tsismoso't tsismosa. At ang kinaaawaan ako ng sobra. Kaso, di yun maiiwasan. Kaya't wak kayong papahuli sa kin, kundi... Anyways, salamat ulit. Medyo nakahinga na ko ng konti. Kahit pag-uwi ko sa bahay, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakabasag din kasi ako ng "antigo" at malaking salamin namin dahil sa inis ko kay CJ. Ok..Ok. Tama na ulit. Ayoko ng mainis pa ulit. Sana may mocha kila tita para makalma ako. Dun muna ko sa house niya muna. Bahala na mamayang gabi kung saan ako matutulog.

Sana po ay matulungan nyo ako sa aking mumunting alalahanin. Ang inyong payo ay napakalaking pabor na para sa akin. Salamat ulit, kuya.



Sincerely yours,
- naive -


P.S.
Para sa hindi naman si kuya (na nakikibasa lang.. hehe! joke!), kailangan ko ang inyong komento tungkol dito. Salamat. Tulad rin ng mga bilin ko sa sulat, ang mga personal na nagbasa lang ang may karapatan magreact. Kung may nais kayong itanong sa akin, mag-usap tayo personally (yun ay kung nasa mood ako magdrama sa inyo). Pagpasensyahan nyo sana ang ugali ko. Mahal na mahal ko kayo lalo ka na.... ______. (Oh sige, issue na naman yan! amp).

Tuesday, May 13, 2008

my sOngs...?!? (-_-) whatever....

May 13, 2008 - I just found this pretty old blog in my yahoo mail folder. After few minutes of scanning it, I've decided to post it here - with no valuable reason at all.

BLIND
written by
jason wade
of Lifehouse

I was young but I wasn't naive
I watch helpless as you turn around to leave
and still I have the pain I have to carry
a past so deep that even you could not burry if you tried

after all this time
I never thought we'd be here
never thought we'd be here
when my love for you was blind
but I couldn't make you see it
couldn't make you see it
that I loved you more than you will ever know
and part of me died when I let you go

I would fall asleep only in hopes of dreaming
that everything would be like it was before
but nights like this it seems are slowly fleeting
they disappear as reality is crashing to the floor

after all this time
I never thought we'd be here
never thought we'd be here
when my love for you was blind
but I couldn't make you see it
couldn't make you see it
that I loved you more than you will ever know
and part of me died when I let you go

after all this why
would you ever want to leave it
maybe you could not believe it
that my love for you was blind
but I couldn't make you see it
couldn't make you see it
that I loved you more than you will ever know
and part of me died when I let you go

and I loved you more than you will ever know
and part of me died when I let you go

(wheew... what a weird feeling if someone urges you to searh for this song...^_^)

UNDERNEATH THE WAVES
by Hale

the stars beneath the sky
they tell me you're a secret
and everytime i wake up in the morning
rain is falling down on me
I feel free

you caught me by surprise
I ask you to believe me
without a lie
we'll never have to say or feel we're sorry
dont say we're sorry
soon you'll see

I'm learning
I'm learning you now

Stars fading
free falling into you

this time I'm sure what I'm looking for
and that's what I want you to know
And I won't ever let you go

Underneath the waves
I can feel you underneath the waves

I'm learning
I'm learning you now

Stars fading
falling into you

this time I'm sure what I'm looking for
and that's what I want you to know
And I won't ever let you go

It's all been said and done to me
I know it
Just let me have a chance to prove my cause
and i don't know what lies ahead for us
in any road I'll let you come my way

And I'm ready for you now
be ready for me now
Show me love

(this song was once dedicated to me... but, I just realize its true meaning here in UP ^_^)

Originally scribbled - Wed, 22 Nov 2006

--Lah lang.. let's be inspired kunwari.. hehehhh... hindi naka2sawa pakinggan ang mga toh.. pwameiZ... peo der wil cum a time na mka2limutan q rin ang essence ng 2 songs nah toh... haAy!! e1??? kxe.. evrything changes.... hmMp... we cannot predict what our faith wil bring us.. we just have to be ready for it... what am i saying??? hehehhhh... nvermind.. paranoid lang poh.... alah xe pasok and dmi ga2win.. hahahhh.. bye!!(-_-)

Monday, May 12, 2008

Silence

May 12, 2008

"Silence is gradually killing me.
Still, I persist not to speak.
For I am hoping to be heard
not through my yelling voice
but through my voiceless acts."

-naive-

Ningas at Yelo: Alin ang Nangingibabaw?

May 12, 2008

--------------------------------------------------------------------

Ang nagyeyelong pag-ibig mo'y patuloy na nagpapaalab sa mapusok kong pagnanasang bumalik ka sa akin.


--------------------------------------------------------------------

Natutunaw na ang yelong bumabalot sa puso mo, unti-unting pumapatay sa ningas ng pag-irog ko sa iyo. Ikaw ba'y di na matututo?


--------------------------------------------------------------------


Umiikot sa dalawang bagay ang mga talatang nabasa niyo sa taas - ang ningas at yelo. Pawang ang dalawang bagay na nabanggit ay may kanya-kanyang simbolismo at maaring may nais ipahiwatig, at ito'y naaayon sa mismong mambabasa na magbibigay kahulugan dito. Kayo? Ano sa tingin nyo ang mas nararapat na mangibabaw? Ang ningas o ang yelo? Ano sa tingin nyo ang mas karapat-dapat na talata? Ang una o ang pangalawa? Sa dalawang talatang iyan, masasabing magkaibang-magkaiba rin ang emosyon ng manunulat. Kayo ang magpasya.

=naive=

Sunday, May 11, 2008

when kenet speaks...

May 11, 2007
start of my "latest"
blog entries! :)

It isn't a matter of pretending to be happy when you know you're sad. It's a choice - to face the consequences left by fate with a clear mind rather than with heavy emotions.

-kennrukia

Eto lang naman ang reply sa kin ni kenet after kong magdrama at magpaka-emo sa kanya (unintentionally pa yan. hehe). Hmm... Though this was only a text conversation, it's pretty obvious na affected ako sa mga sinabi niya. Hehe. magaling talagang manghula si kenet ng emotions ng tao. Pwede na siyang guy version ni Madam Auring. Haha. Patawad sa aking mga kalokohan kenet.


nevermind!

March 29, 2008 :p
HATING me

won't make you prettier,

my dear.

Sa iyo ba ako..

March 4, 2008


Sa iyo ba ako’y maniniwala?

Mga katagang namutawi, iyong pananalita

Tila birong pinagtatawanan ng aking isipan

Unti-unting nilalason ang prinisipyo ko’t pinaniniwalaan

Umukit sa puso kong nagugulumihanan

Ni sa hinagap di ko mawaring magkakatotoo

Ayaw lisan ng pangamba ang aking magdamag

Ayaw dalawin ng mapaglarong antok

Gising sa dilim at lamig ng katotohanan

Sa ilalim ng buwang nakatanod sa bintana

Tila nangungusap, kitlin ang katahimikan

Mga bituwing bubog

Dinudurog ang payak mong imahe

Nais ng lisanin ang kinalulugmukang kadiliman

Umahon sa hinuhukay na libingan

Kausapin mo ako.

Hanggang kailan?

Sana’y sa pagsikat ng Haring magbibigay liwanag

Masagot ang katanungan.

ilang araw sa linggo ng pag-ibig (post valentine post)

Feb. 20, 2008


(miss na kita multiply, thanks kay Adrian na laptop ni rosa)


Feb. 11 (Monday) – It was the start of the much awaited UP Fair. The line up of the bands was indeed impressive (especially because “Bamboo” was exclusive this day) but I prefer not to join the crowd because I had an early class on the next day. It was also the schedule of our Fil 25 report (merely about “Pelikulang Pilipino”). I can say that I am prepared enough but somehow, I can’t ignore my paranoia. Just imagine that you are to begin discussing to your classmates the components and common characters present in a Filipino Film when your professor suddenly steps in the room and start observing your way of reporting! (Bulsh*t, isn’t it?) He was almost half the time late and he exactly came in on the time of my report! Anyway, the tension gradually faded, the factual chats were smooth and the reporting was surprisingly an accomplishment for us.  On the other hand, I enjoyed the skill test in my ballroom class (it was tango!) though partner Ian was very nervous and forgot some of the steps (I hope it wasn’t because of me! Hehe!) Then, I serenely attend the Thanks Giving Mass of Math Club. It felt like I had no problems at all and all my worries and stress disappeared.  Few hours before my curfew, I found myself chatting with my block mates Jan-Jan and Mark along the Sunken Garden where there was a very long and looping line of people waiting for tickets of LoveRage. It was likewise the moment where somebody revealed to us the detailed truth of the “cheating” issue in our Math class. It was a very controversial topic because the name of our university was reflected and used unintentionally by the so called “cheater” in his “accident” crime. Anyways, we really hope that it will be resolved.
The night was full of puffing cigar smokes from Jan-Jan and we couldn’t do anything about it. After a tiring day, I stretched myself in my bed while discovering the fact that I am the only person in the
room for my three roommates watched the fair. Aww..

Feb. 12 (Martes) – Ayon sa aking planner, ito dapat ang deadline ng white paper etc para sa fund raising ng Sampa. (equivalent sa minor/major activity) Subalit, hindi ako nakapagpasa. Ito’y sa kadahilanang kulang ang aking white paper at wala naman akong pet bottles. Ayun. Tinamad na ako magpass. Excited naman ako sa araw na ito dahil sa Rakestra na handog ng Beta Epsilon. (Nakatakdang magperform ang Hale! Whee! Mahal ko pa rin si Champ kahit ano mangyari!) Ang Martes ay isang perpektong araw para sa pagpupuyat kaya’t naengganyo talaga akong manood nito. Subalit, marami pang nagyari bago ako nakapasok sa Fair sa unang pagkakataon at mapanood ang mga inaabangan ko sa local na mga banda. Noong isang linggo pa, naghahanap na talaga ako ng tickets nito kaso lang, malas ata talaga dahil wala akong mahanapan. Hanggang itinext ko na si “friend” at sinabi kong wala nga akong ticket. Tinanong ko siya kung magfafair siya. Sabi niya, wala din daw siya ticket at pangticket (weh?!). Kaya ayun. Nauwi kami sa tambay sa sunken. Para sa eksaktong lugar: tapat ng eduk (at adik talaga siya dahil dun sa mismong harap ng eduk siya naghintay. Haha) sa may bench, sa tapat rin ng Ferris Wheel (oo. Tsubibo ito sa tagalog. Maniwala ka na! adik!) Matagal-tagal ding kwentuhan ang naganap at nung nagkatamaran ata, at dahil na rin sa lakas ng trip, bumaba kami sa may pila ng tickets. Ano pa ba? E di nagfair nga kami!  Dahil mabait siya, sinamahan niya ako kahit hindi niya talaga trip manood ng mga local bands (Maarte kasi un. Loyal sa Lifehouse at Linkin Park. Magsama kau ni chester ben! Hehe). Adik nga un. Bigla-bigla na lang uupo. Ako naman, uupo na rin at dadamayan siya. Wala kami masyadong ginawa kundi gumala, manood, kumain ng clover, uminom ng mineral water, makinig, magmasid sa paligid, maglakad ng maglakad, at ano pa ba kundi mag-intrigahan! Madami din kaming mga other friends na nakasalubong na puro may nakakaintriga ring ngiti sa min. (wth?!) Masaya. Nag-enjoy ako ng sobra. Dahil sa kanya. Este salamat sa pagsama niya sa ‘kin. Nakita ko rin dun si crush na look-alike din daw ni blockmate Nikko Geane. Aww. Ok na sana eh. Kaso may hila-hila na gf (*sob*). Mga 3.30 am na rin ng ihatid niya ko sa dorm at salamat rin ay manang guard dahil pinapasok niya ako (kundi, mukang kawawa naman ang kasama kong antok at parang lasing na. hehe. Mapipilitan siyang samahan ako till 5 am). Kung adik ako tulad ng ibang tao, iisipin kong isa itong pre-valentine celebration. (WTF?!) Ikaw ba naman, kasama mo si old crush turned friend. At wala kang lovelife now. At ibig sabihin din ay hindi ka committed sa kahit na kanino. (Pwede! Hehe. PURE JOKE.) Pero siyempre, sumusunod pa rin ako sa aking prinisipyo – ayoko ng bf now! Amf. Isa pa, ang tulad niya ang walang balak manligaw. (Pero may pag-asa ba if ever? Hmmm.) Walang balak magseryoso. Hindi loyal. Sobrang ineenjoy ang buhay niya. Pantay-pantay ang tingin sa lahat ng babae. Alam nyo un, parang isang komplikadong sitwasyon ang pinapasok ko ng hindi ko namamalayan kung may nasasaktan ba ako or naaapektuhan. Ang alam ko lang, harmless ‘toh at enjoy ako. At gagawin ko ‘toh hanggang safe pa rin. Pero once na may mainvolve ng feelings or something even complicated follows, titigil ako. As in, STOP! Anyways, bakit ko ba kasi nasasabi toh? Wala lang. Kasi napapadalas din ung “bonding” naming eh. OO. Wala lang sa kanya toh. At lalo sa tulad kong walang pakialam sa mararamdaman ng kahit sinong tao. Wala lang toh. Pero siyempre, minsan napapaisip din ako kung ano ung mga consequences na dulot ng kalokohan kong ito. May mga trip talagang umiikot sa utak ko kapag nababanggit siya at si past lover. Anyways, out of topic na ‘toh.
Salamat sa isang masayang fair!  mwah.

Feb. 14 (Thursday) Nothing too good happened.
I just met grayz and via. Dinner date with mten. And a cold war with him.

(Get lost!?! =<)


my ash wed

Feb. 9, 2008

Pretty different from my past ash wednesdays, dahil hindi ako loner sa pagkakataong ito. Well, dati talaga ay ayokong may kasama for I cannot purely concentrate on my prayers and I get distracted whenever I hear noise. Sorry naman. Haha. Naalala ko pag nagsisimba kami nila grayz and lhottie. Wala lang. Parang nagkwe-kwentuhan lang kasi kami lagi pag magkakasama kami kaya kahit pati sa loob ng simbahan, nagagawa namin un. Another thing is, the essence of faith gradually fades out kapag maingay. Feeling ko lang un. Ewan ko sa inyo.

Anyways, natripan ko magsama ng isang tao nung araw na iyon. Trip lang. Tska di ko naman sure na sasama siya. Ok lang pag hindi. Ok din kapag oo. Nag-aya lang ako, sabi ko, tara simba tau. Sineryoso na naman. Tsk, tsk. Ok, Ok. Kaya ayun.
Nagkaroon tuloy ako nang kasama.

Before 6 pm. Nagtxt siya. Binigyan niya ko ng instructions.
Parang adik lang talaga. Malala.
Sabi niya, "Hey! gusto mo ba simba tau nagung 6pm? Txt bak ka. If yes, miskol nalang kita mamaya. Dat means anjan na q sa dorm mu sa inupuan natin. Deal or no deal? Hehe!"

Reply ko, "talagang magsisimba ako. bahala ka. kung pupunta ka, agahan mo. ayoko ma-late sa mass at lalung ayokong maubusan ng seats. ok?"

Huwaw. 6pm na. Asa tv room na ko dahil sa inip sa paghihintay. Pasaway talaga siya. Sabi ko sa sarili ko, parang may aawayin akong isang tao ah. hmmp. Ayun. nagmiskol na nga siya. Labas naman ako. Nakita ko siya naghihintay near shed, mejo nakared, at as usual, nakacap.
Pambungad ko pa lang, "pasaway ka! late na tau!". Hmmp.

Sakay kami ikot. Pagdating sa bilog na simbahan, shocks. Sabi ko na nga ba. Puno ng tao. Asa labas na kami. Ang init-init. Peo later, nakapasok na rin kami sa loob. Lagi na lang din niya pinapansin na mas matangkad siya ng ilang inches sa sakin. Kasi, tumitingkayad ako para makita ung mga ginagawa ng pari. Di ko kasi makita. Eh siya, kita niya. Ewan pala. Malabo kasi mata nun. Ok naman simba. The mark of ash cross still vindicates the beginning of the lent season, and also "nanggaling tayo sa abo, at babalik din tayo sa pagkaabo kapag namatay na tayo".

Andami ko rin nakita sa simbahan na kakilala. Nakakatuwa at nandun ang groupmate ko sa fil 25, kita ko siya kumakanta sa choir. Andun din ang ilang orgmates at pati partner ko sa ballroom. Atleast, hindi pa nila nakakalimutan ang mga mahahalagang kaganapan tulad nito.

After ng mass, nag-aya siya mag-dinner. Eh mejo busog pa ko dahil kumain ako before the mass. Nagpasama na lang muna ako bumili ng blue book. I forgot to mention, meron nga pala akong take home exam sa math. Whahah. At di ko pa siya nasisimulan. :)

Lakad kami. Uwi na dapat dorm dahil may gagawin nga ako. Kaso, nadaanan namin ang isawan. Hehe. eh di nag-isaw kami. Walang katapusang kwentuhan at intrigahan na nman. Pasaway xa eh. Kung anu-ano pa tinatanong, na dapat di na itanong. Peo tinatry ko naman sagutin. Or tinatry ko na lang super umiwas sa mga tanong niya. Dahil past is past na nga. Sabi ko, "alam mo, kung ikaw na nag-aasikaso ng isaw natin, di pa tau natatagalan dito. bagay ka dun eh. kakulay mo sila manong." *evil grin* Nakared kasi sila manong na nag-iisaw at nakacap rin. Haha. Para lang talaga siyang kasama nila manong. Natagalan nga din pala kami dahil na wow-mali ako sa atay look alike bbq. Kainis. Gusto ko talaga bbq weh. Eh atay pala un. Well, first time ko lang din nakatikim ng isaw baboy dahil sa adik naun. Ansama niya kaya, tinawanan pa ko.

Hinatid niya ko sa dorm. Habang papunta, ewan ko ba kung bakit nabanggit ko toh: "ayoko kasi ng commitment. ewan ko ba. nasasakal ako. basta, alam ng mga tao na ayaw ko pa ng boyfriend." (Pero nasa isip ko, hindi naman masama mainlove or mafall ulit sa isang tao. ang problem, kapag napasok na ulit ang commitment, na para sakin, isa talagang napakacomplicated na bagay. Magmamahal ako, at wala akong pakialam kung mahal din ako ng taong un. Well, kung oo, eh di masaya. Kapag hindi, ok lang din. It means, hindi talaga siya ang para sakin. Ayoko sa atat. Ayoko sa nagmamadali.) Tapos hanggang 10 pm ulit kami nagdaldalan. Kaya wak niyo na itanong kung bakit puyat ako kinabukasan sa pagpasok sa math. :) Pinabasa ko pa sa kanya ung letter ng isang taong kinaiinisan ko. Sabi niya sakin, harapin ko daw ung taong un. Kausapin ko. Sabihin ko daw, talagang hanggang friends lang. Pero sorry naman. Pag umiral na kasi ang pagkainis ko sa isang tao, tuloy-tuloy naun. Hindi pride un. Wala akong pride. Itanong niyo pa sa mga barkada ko. Pag nagkagalit tau, and i really value our friendship, ako pa mang-aapproach. Pero pag di na lang kita pinansin bigla, baka may nagawa ka talaga na hindi ko gusto. At inis ako sau. Mahirap na maaus ung ganun. Maybe, time can resolve that conflict. Maybe.

Thanks talaga sa taong ito. Kahit kelan, pinapatawa mo ko. Thank you for being a good listener. Ready naman din ako makinig sau. Anytime.


P.S. Hindi ako inlove or what.
Inspired lang siguro.
Or full of hope.
Dahil sa taong ito.
Nag-iba na kasi ang paningin ko to this
so called "love" dahil sa isang tao sa nakaraan.
Ayun. So much for now.

good thing i'm in a dorm

Feb. 3, 2008

Wednesday night - medyo bored na talaga ko sa dorm so I decided to wander round the campus and move my muscles a little. Kakagaling ko lang din sa sakit at feeling ko, lalo ako magkakasakit kapag nanatili lang ako sa loob ng aking room with no one to chat with. (Naalala ko rin pala ung sabi ni leo na baka may something daw sa dorm ko kaya lagi ako nagakakasakit lately.) Dapat pupunta ko dun sa bilog na simbahan para marelax ang utak ko, para makaramdam ng real serenity, pero naisip ko na magreresearch na lang
muna ko for my report in Fil 25. Past 6 pm na rin un. At busog na rin naman ako kakakain,
dahil bumabawi talaga ko. Tasteless talaga kasi ako nung monday at tuesday.

Punta mainlib. Gamit ng opac. Hanap books. Tingin- tingin sa pages. Sulat- sulat ng infos. Natutuwa naman ako sa ginagawa ko so di ko namamalayan time. Hanggang makita ako ng mga orgmates ko at inaya ako na sa loob na lang ng discussion room para pwede kami mag- ingay. Ayun, soundtrip sa loob. Kuwento- kuwento rin. Pero syempre, research pa rin ako.

Mga 8 pm na. May nagtxt sa 'kin. Di ko expected na magttxt sa kin ung taong un. Globe kasi ako. Smart xa. At mejo kuripot kasi un. Actually, nung may sakit ako nung monday night ngtxt na rin xa. Sabi nya, dalawin nya na lang daw ako ng wed night sa dorm. Well, ung mga tipong ganun, di ko kasi sineseryoso. Para sa 'kin kasi kapag joker ka, lahat halos ng sinasabi mo sa kin, joke na rin. Ayun, ni hindi ko nga nireplyan. Kea mejo nagulat ako ng ngtxt xa. Tinatanong sa kin kung ok na ko at kung what time daw curfew ko. Nireplyan ko naman. Sbe ko, ok na ko. At nasa mainlib nga ako.

Quarter to nine na. Tapos na rin ako sa ginagawa ko. At uwing- uwi na ko. Eh wala pang balak umuwi orgmates ko, tska iba rin naman way nila pauwi. So solo pala ko uuwi. Sabi ko sa sarili ko, malapit lang naman un at
kaya ko sarili ko.

Tapos nagtxt ulit ung taong un. Sa last sent txt ko kasi sa kanya, tinatanong ko kung asan siya. Sabi nya asa mainlib stairs. Natawa ko. Pagala-gala daw kasi sya sa gabi kaya naisipan niyang daanan na ko. Ask niya kung hihintayin nya daw ba ko. Sabi ko, palabas na ko.

Paglabas ko, ayun. Ewan ko ba kung bakit napasmile ako. Nakita ko siya sa left side ng stairs, nakaupo. Parang pulubi. Hehe. Joke lang. Naghihintay nga pala. Bungad ko pa lang na sabi sa kanya, "Adik ka talaga no!" At yun na ang start ng puro kalokohang kwentuhan.

Hinatid nya ko sa dorm. Peo 10 pm pa naman ang curfew so upo kami sa labas, sa may puno ng niyog na hindi ko man lang nanoticed. Kwentuhan at kumustahan ulit. Parang walang katapusan na daldalan. Masama magpahamog pero parang di ko na naisip un nung nagkwe-kwentuhan kami. Kasi naman, alam ko pag pumasok na ulit ako ng room ko, babalik na naman ako sa "ako" na tahimik, halos di nagsasalita, tulog ng tulog, kain ng kain, nakatulala, nag-iisip ng malalim at kapag wala na talagang choice, aral.

Parang lahat ng napagkwentuhan namin, asa utak ko pa rin.
Ung bike na gusto niyang hiramin kay manang guard,
yung pang-iintriga nya na halos di ko sagutin,
ung kakahinatnan ng mga courses namin. Ung tungkol sa niyog,
sa "weird", sa physics prof etc. Matagal nga din pala kaming di nakapag-usap kaya para talagang ayaw naming tumigil kakadaldal. May mga moments of silence rin peo mas marami ang moments of laughter. Sa lahat ata ng bolerong nakilala ko, sa kanya lang talaga ko nakikipagsabayan. I dunno, peo pag nakakatxt or nakakausap ko tong taong ito,
hindi pwedeng di ako ngingiti. Kasi nga adik siya. Hehe.
Tsaka tanda ko, nung first year ako, siya yung sinasabihan ko ng mga problems ko. Nagiging madaldal talaga ko kapag kausap siya. Ang hirap maging tahimik dahil lahat napapansin niya. Un nga lang, parang nawalan kami ng communication nung nawala phone ko at nagglobe ako. Smart loyalist kasi un. Hehe. Peo atleast, nagttxt na siya kahit globe pa rin ako.

Ano ba? Ewan. Parang siya ang bagay maging bf ko. As in, bestfriend. Peo ewan pa rin. Ewan. Ewan. We can never tell what will happen next. Kahit ang pagiging manghuhula ko, di kayang isense ang susunod na kabanata ng buhay ko. I think I should go with the flow, katulad ng ginagawa ko dati.

Malas nga lang, di ako pwede mag-LP. So hanggang 10 pm lang talaga ang chikahan namin. Tska delikado na rin para sa kanya na maglakad pauwi sa boarding house niya. Kahit sabi niya, na gabi-gabi raw, ginagawa niya un dahil parang ako, di nya din daw maxadong nakakausap roomate niya.

Naisip ko, nung asa bhouse pa ko near sa office ng tita ko, di ko nagagawa un. Good thing I'm in a dorm talaga this sem. At ieenjoy ko talaga ang pananatili kong ito sa dorm. Ung freedom, dama ko talaga. Kahit may bounderies pa rin. Kasi nextsem, baka hindi na ko magdorm. Ewan.

Sana maulit pa ung wednesday night na un. Sana talaga.

pathetic

Feb. 3, 2008

"Di mo naman ako kayang tiisin."


Kala mo lang yun.

death

feb. 3, 2008

"Know when to let go

and walk away - if it's dead,
don't go diggin it up
every five minutes
to check if there's a pulse.

It's DEAD, walk away.

Same goes with LOVE."


(just a quote sent to me)

Anything For You

Jan. 27, 2008

Wala lang. Isang depressing na sunday. Ayokong maging makulay. Ayoko ng kaartehan. Gusto ko ang malungkot na kantang ito. Upang marinig, punta kayo sa friendster profile ko. (Wak sa profile ng isang taong alam kong nag-eexist at minsan ninais na rin na sana di na lang siya ng-exist para ok ang lahat. Para masaya siguro. Para hindi sayang.) EWAN. Ayoko na nga. Kaso. Naiinis lang ako. Makinig na lang nga kayo.


"konting urge naman pra magsmart na ko ulit.
nalulungkot ako sa globe. grabe. ewan.
tas ung isang friend ko ngsmart na ulit.
=( nakakainis. nkakabadtrip lang kasi,
bkt sa peyups eh puro globe.
wla lang. napadaan lang sa profile moh.
bkt di kpa ngpapalit ng layout?
black. gray. dinadamayan ako ng layout moh sa aking kalungkutan.
ewan ko ba bkt yan din ang napili kong layout pra sa adik na tulad moh.
ayaw mo palitan?"

--comment ko sa isang kakilala, kaibigan, kakwentuhan, kaasaran at kuya (dahil xa ang lagi kong natatakbuhan sa ganitong walang kwentang "gulo" sa isipan ko. sana di xa magsawa sa kakulitan ko.) after mbrowse ang isang friendster profile na reason why nasulat bigla ang blog na ito


Anything For You
By: U-Phonik

I can not see straight, deeper and deeper I go.
You got me intoxicated, infatuated.
And leave me there overdosed.
Anything for you.
I’ll choke up my voice if you want me to.
Anything for you...
Candy coated lips, I wish I could taste again
Every little stupid joke unspoken that I saved
To steal a smile from your face.
Anything for you.
So just give me what I’m dying to hear from you.
Say that you miss me.
Don’t be scare to lie just to please me.
Say that you miss me.
You know it turns me on when you’re mean to me.
Anything for you...
What if I get lost, move out of your space-time.
Slowly drift away to bounce in hyperspace.
Would it ease your mind.
Anything for you.
So just give me what I’m dying to hear from you.
Say that you miss me.
I like it when you lie just to please me.
Say that you miss me.
You know it turns me on when you’re mean to me.
Lead me through
Anything for you...

(very poignant song right?)

Estatwa at Yelo

Jan. 5, 2008

Estatwang inukit sa piraso
ng yelo - ako'y pariwarang nasa
gitna ng kadilimang lumalamon
sa natatangi kong kariktan.
Bihag ng di maipaliwanag
na haplos ng pag-ibig at
pait ng tadhana.
Mula sa kawala'y kapirasong
dalit ng sinag ang tumutunaw
sa 'king kaluluwa't katawan,
patuloy na inuubos ang lamig
at pinapalitan ng mapangahas
na init.
Hahayaan mo ba kong umagos sa karimlan?
Hanggang kailan ako maghihintay
sa muli mong pagbabalik?
Nabalutan na rin ba ng yelo ang puso mong walang kasing lamig?
Isang malamig na pamamaalam.
Pangako. Walang luhang aagos.



(syet. wtf?! para san ba toh?
wla lang. actually iba na ung ending nyan sa friendster ko.

yun yung tama. yun yung totoo. yun na lang basahin nyo!)


let me go.
let go.
i'm letting you go.
i let you go.
i think i'm dying.


dead love.
vital signs - negative.


-naive-

Usapang Bola-Bola

Dec. 16, 2007

Chikahan ng dalawang magfriendships:


girlalu 1: may nakilala na naman akong mambobola. haha! talaga naman..

girlalu 2: nagpapabola ka na naman?? tsk, tsk..

girlalu 1: haha! asa! nakikipagbolahan pa kamo!:)

girlalu 2: kea pala nabola ka ni > ??? hahahh!!
(with nakakainsultong nakasmile)

girlalu 1: whahahh!! iba un! whahahh... naman.


=the end=


PS. lagay nga kau ng names para kay girlalu 1 at 2.. tska dun sa .
hahahh!! trip2 lang..

Thank you so much Sir Tolits! :)

Nov. 2, 2007


dear ate,

you're welcome.

a piece of unsolicited advise (since, as an undergrad, i was also a
math major):
first, ask yourself if you really want to major in math. talaga bang
gusto mo
ang math (as in, fascinated ka with numbers and the way they all work
together
as it everything falls into place and you think humanity's mind was
really made
to deal with math.) An in, (h'wag mo munang isipin 'yung mga grades mo
at kung
anong gagawin mo pagka-graduate ng math), there is some unexplained
beauty in
the subject? If you honestly think , yes, then i say, persevere with
it...
don't let your grades dictate the way you look at math. sa tutoo,
lang, i got
a 5.0 in Elem. Analysis III and a 4.0 in my Advanced Calculus. At yung
mga
grades ko sa ibang math subject are in the vicinity of 2.5, 2.75 and
3.0. But
i like math... kaya, eto.

However, if you are a math major kasi somebody said it was "neat", or
"cool", or
whatever you young people call it nowadays...basta your decision to
take math
was based on some impression made on you by others (and not your own).
Or
because somebody said that uyou would be making a lot of money as a
graduate of
math, then you have to re-think if you really want to be a math major.
(hey, i
know a lot of guys - actually most of them are female- who did well
well when
they shifted from math to other courses- and they made a lot of money).

so...gud luck...gud health...God bless you! :)

:P


Quoting Cherry Anne Privado :

> sir :) salamat po sa grade.
> hehehh.. pampalubagloob talaga ang grade ko sa stat after ko
malaman ang
> nakakatakot kong grade sa math 64. :(
> hirap na ko sa pagiging math major.
> peo ewan ko ba sir. ewan talaga.
> thanks po ulit! hindi nasayang ang saturday class ko.
> masaya eh! at magaling ang prof! (ooi.. todo smile na kayo jan
sir..hehehh
> joke!)
> hehehh!! Godbless po!



maganda kasi ang kinalabasan ng stat 101 kOh. :)
it's worth taking kahit na saturday class pa xa dahil sa
prof na nakakaintindi sa mga students nya. :p
basta.. hahahh... thanks talaga kay sir.
lalu na sa meaningful advice nya sken.

delete

Oct. 15, 2007


delete blog entries.

GOODBYE.

Sa mga loyal na tagasubaybay ko ng blog, maswerte kayo at nabasa nyo yung ilang blog entries ko. Nagbura na kasi ako. Lalu na ung tungkol sa _ _ _ _life ko kuno. hehehh.. wala lang. :)

icongrats nyo ko,
i'm back being LOVELESS.
hahahh... happy being unattached.

=naive_zherrie=

quotations

July 14, 2007


*******************************
Fall in love..
Stay in love..
And it will decide everything.

********************************
Its tough to stay single in this world,
where everybody expects you to be with somebody.
But staying single is not about having no one,
rather it's an opportunity to pick the best one.

********************************
It is wiser to be alone,
than happy with somebody who do nothing
while you do everything.

********************************
Taking a mean joke from a special person
in your life is not as easy as hearing it from a friend.
'Cause it will always hurt you when it comes from the
mouth of a person who means a lot to you.
So don't be surprised when someone cries
because of your so called "joke".

********************************
The NEW MU:
You stay together,
do things together,
spend time with each other,
share everything
- except commitment.

*********************************
Have you ever noticed that the more special
you treat someone,
the more that someone takes you for granted?

It's like they think you won't ever change.

*********************************
I'm starting to learn.
You can't make someone love you.
You can't make someone be faithful to you.
You can't control your own fate.
Sometimes, things happen.
Good, bad, indifferent.
You just have to let some things go
and hope they turn out for the best.

***********************************

Wash - Lifehouse (namiss ko toh! haha!)

GoLedy

GoLedy.com