10-11-08
1:17 a.m. (ate riva’s advance laptop clock)
Oh well. Naisingit ko pa rin ang blog na ito kahit super daming nakapilang gawain sa akin. Current song from the playlist is “Standing at the edge” by the blessed union of souls. Kanina pa mabigat ang feeling ko. Hindi ko alam kung ano ung particular reason, basta alam ko, I’m not ok. Tapos ganito pa ung song. Parang gusto kong umiyak ng todo-todo for reasons hard to explain. Not because I don’t want to discuss the reasons here but the fact that it’s too complicated to explain to somebody that has no idea after all. At tska, sa sarili ko pa nga lang hirap na kong intindihin ang mga nararamdaman ko. Ewan. Siguro inaatake lang ako ng mood swings ko. Nakapag-ice cream naman ako kanina. Di ko lam talaga eh. Siguro madami lang akong iniisip. Yung tipong sumasagi na sa utak ko sa mga panahong to ang mga katagang tulad nito: “Lord sana po gabayan nyo ko sa mga gagawin ko. Gusto ko na pong tumigil na lang ang hininga ko bigla.” To think na ang tingin ko dati ay invincible ako sa kahit anong suicidal attempts for I am so afraid to go directly to hell. Ngayon, di ko lam. Bahala na. May takot pa rin ako sa Diyos kaya marahil ay hindi pa rin ako bibitiw sa pagkakahawak sa mapagpalang mga kamay niya. Tatlo pa ang exams ko next week. Tagilid pa ko sa isa. Tapos isa pang report. Deadline ng isang term paper tapos next next week isang final paper. Ang hirap pang gumalaw ng walang sariling laptop. Hay buhay. Buhay kolehiyala daw ay masaya, subalit bakit ako’y nagdurusa? Current song ay “The end has only begun” ny lifehouse. Nakalimutan kong sabihin na puro lifehouse songs pala ang pinapakinggan ko now… salamat kay Jan2. May naalala pala ako. Kanina, nung talagang di ako mapalagay nakahiga lang ako sa bed ko. Kakatapos lang ata naming manood ni ate riva nun ng 3 episodes ng fushigi yuugi (tumakas lang kami sa mga dapat namaning gawin) at medyo di maganda ung ending nung last episode kasi umamin si Miaka kay Tamahome na mahal na niya nga si Tamahome (habang umuulan, kakatapos ng maikling labanan at pagtatanggol kay Miaka) kaso for some reasons ang sabi ng Tamahome, parang ganito, pasensya pero di ganyan ang nararamdaman ko para sayo, priestess ka ng suzaku kaya ko ginagawa yun. Hay. Ouch. Ang sakit kaya nun. Hinimatay si Miaka habang nasa basa sa ulan at dahil nilalagnat na siya nun. Pero feeling namin, kaya niya lang sinabi yun ay alam niyang wala siyang panama kay Hotohori na isang emperor, na sa harap niya e nagpropose kay Miaka ng kasal. Ahuh! Di ba? Di ba? Well, di ko alam. Dahil di ko na matandaan ung exact na ngyari dati nung napanood ko siya sa channel 7. Pero siyempre alam ko naman na si Tamahome ay destined kay Miaka kaya nahahabag *yeah* din naman ako kay Hotohori ng sobra. Aww. Sana ako na lang si Miaka, papakasalan ko si Hotohori. Haha. Joke lang Tama dear! :D Mejo magaan na pakiramdam ko now. Pero kukuwento ko pa rin ung ngyari after manood kami ng fushigi. Ayun nga, humiga na lang ako sa bed. Ayoko na sabihin ung exact turning point ng pagbabago ng aking mood dahil tapos na yun. Ang ginawa ko after nun ay kinuha fone ko at nagtxt kahit wala akong balak isend ang ittxt ko. Nakalagay ganito, diddy, sama pakrmdam q. dami exams q nxtwk tas term paper pa.. ang hrap. wla p q laptop. hay… bat gni2. :’c Actually, wala akong specific person na pagsesendan nun. Tas naisip ko si chan. Wag na ui, baka mabadtrip lang ako lalo sa ireply niya. Tas ngbrowse ako ng msgs ko sa inbox. Naalala ko, may nagmamahal nga pala sa akin. Anjan si God. Dapat sa kanya ko isend un txt na un. Tas wala lang, naisip ko na naman ang pagiging invisible ko now or rather transparent ko to the point na may sinasabi na pa la sa akin ang isang tao, wala akong reaction. Hay, ganun talaga ko ngayon eh. Di ko lam kung bakit. Siguro ayoko muna masaktan ulit. Ayoko magpakabitter ulit. Nagpapakatotoo na ko. Kahit minsan nagsesearch ako ng notes ko tapos mababasa ko ang mga tulad nito, “Nakakamiss ang mocha ice cream, isaw sa may Romulo Hall, Ham and cheese clover chips, spaghetti, choco chips…. Nakakamiss ang shrek2, SM north, golden by fall out boy, white rose, feb. 14, 2007, sunken, Philcoa, Math building… etc.” Kumusta naman ang broken by lifehouse na tumutugtog ngayon. “I’m falling apart, I’m barely breathing with a broken heart, that’s still beating in the pain, there is healing, in your name, I find meaning so I’m holding on, I’m still holding… I’m barely holding on to you.” Wala naman ganong kakanonek ang song na yan, siguro epal lang talaga ang playlist, nananadya. Next song, first time by lifehouse. Grabe na huh? Pang-asar lang talaga. Kung di nyo magets, buti naman. Wag na nga lang. Matagal na yon. Wala na nga kong maramdaman ngayon di ba? I’m totally transparent. Natrauma or manhid na siguro. Pagkatapos ba naman niyang mawala dahil sa isang pinagsisisihan kong desisyon, ang papalit ay isang super bolerong gago na may identity crisis ata. Next song Blind by lifehouse. Alam niyo na. Hindi ko pla plinano yang playlist huh?! Nakashuffle siya. Nananadya lang siguro talaga. Katakot. Anyway, Ano ba ngyari? Wla lang. Isipin nyo na lang na nito ko na lang narealized ang kagagahan ko at pinakawalan ko ung nagmamahal sa kin para sa isang taong gusto ko lang pero wla plang gagawin para sa kin. Bravo! Parang baduy na telenovela lang. Duh! *d-u-h exclamation point* Wala eh, masarap makipaggaguhan noon. Ngayon, sawa na ko. Tsaka after ko pakawalan siya, nakahanap naman siya kagad ng kapalit sa kin. Mahusay. Kung gaga talaga ko, iisipin kong pinagsabay niya kaming ligawan. Tapos, nung nireject ko siya, siyempre pmunta isya dun sa isa. Haha. Ewan. Wala na sa kin ang lahat ngayon. As in. Dumaan lang ang mga yan ng isang mabilisang ipo-ipo tapos wla na. Ayoko na muna. :D Kung may dadating, edi ok. Let’s try. Pag wla, ok lang. NBSB pa rin naman ako. Yebah!
2:26 a.m. Go! Gagawa na ko term paper. :D
Pahabol:
”I want you to know,
you belong in my life.
I love the hope,
I see in your eyes,
for you I would fly
at least I would try
for you I would take
the last flight out.
I cannot hold back the truth no more,
I’ll let you wait too long, wait too long…
although its hard and scares me so,
a life without you scares me more.”
-Last Flight Out by Plus One
*inspired by DRAKE BELL. :) pasintabi rin sa estilo ni kenet na gumagamit ng pangalan ng crush nya sa kanyang mga katha. take note of the date also. matagal na tong blog na to.. ngayon ko lang napost.