*****
“Kahit ilang milyong quotes ang ipadala mo sa taong gusto mo…
Kung hindi ka niya gusto…
Hindi ka niya itetext.”
-quote from grayz
SABI NI CHERRY NA MATAAS ANG PRIDE: Haller. Nasesendan lang siya ng GM ko no. Wag siya magfeeling. Hehe. At kung minsan man na nagrereply siya sa kowt ko, alam kong hindi dahil sa gusto niya ako or ung kowt ko… kundi flirt lang talaga siya.
REACT NAMAN NI CHERRY NA EMO: Ok lang yun. At least alam niyang naaalala ko siya. Huhu.
SAY NI CHERRY NA WAPAKELS: Tatawa na lang ako. Haha.
*****
Royal Abduction? Hehe.
Naalala ko ang joke na ito nung nagkwekwentuhan kami nila tita adel.
“Ang dami na talagang nakikidnap ngayon noh?”
“Oo nga eh. What if makidnap ang mga apo ni Gloria? (Pres. Gloria Macapagal-Arroyo)”
“Edi nakidnap! Haha. Sana nga.”
“Haha.”
“Ay wag na pala.”
“Bakit?”
“Kasi ung ipangbabayad niya ng ransom, manggagaling sa kaban ng bayan eh.”
“HAHAHA.”
*****
Banner
Natutuwa akong nararamdaman ko na ulit ang presensya mo. Hindi na ako naghahangad na bumalik ka sa dating ikaw. Alam ko kasing kahit maglagay ako ng malaking banner na nagsasabing,
“Bumalik ka na… sa akin.”
---wala ng epekto yun. Pero ok lang sa kin yun. Ang nais ko lang ay bumalik ang dati nating bonding. Yung dating ikaw na nakakapagpangiti at nakakapagpatawa sa akin. Yung asaran natin. Yung dating katabi ko lagi.
Ano pa ba? Ah. Gusto ko lang din sabihin,
“Infairness, nakakamiss ka rin namang loko ka! Panget!!!” :)
hahahahaha.
*****
I think I’m 60 % woman, 40% man.
Kaloka di ba?
*****
INVISIBLE
Ang hirap magkacrush sa taong di mo nakikita. What do I mean? Hindi mo siya madalas kasama. At walang dahilan para magkita kayo dahil di mo naman siya classmate sa kahit anong subject. Aware ka lang sa existence niya.


0 comments:
Post a Comment