Friday, Feb 20, 2009
MainLib GenRef
*****
Meron akong paper sa Comm 100 at ipapass na siya bukas ng 1pm. Di ko pa nasisimulan. AS IN. 6-10 pages pa naman un. Tinatamad talaga ko gumawa. Eto ang mga gumugulo sa utak ko ngayon:
SAT- comm 100 paper with summary in manila paper
SUN- too much things to do, di alam uunahin
MON- holiday, peste! di ako makakapag-lib for research =c, deadline for handout (socio re3port)
TUES- stressful italian, super duper stressful report in bc 100 under avecilla (hanggang nagyon di pa ko kinocontact ng groupmates ko..syet), deadline for slides (socio report), buddy date?!
WED- exam in italian, report in socio
THURS- gawa ng takehome exam sa socio
FRI- deadline for takehome exam in socio
Sabihin nyo nga sa kin, BC ba ko?
Ano ang dapat kong unahin? =c
*****
Naiiyak na ko. Kaso ayaw matuloy. Naghahanap ako ng shoulder to cry on. Sino pwede?
*****
Naalala ko si Koizumi ng Lovely Complex. Minsan nakikita ko ang sarili ko sa kanya. ("Am I not that attractive?," said Koizumi to Otani). Matangkad siya. Pwedeng model. Kaso wala or kulang sa appeal. Tas nainlove siya sa guy na mas maliit sa kanya. Oh well, di ko pa naman pa la naexperience un. Tapos twice na siyang nireject ni Otani. Yep, she confessed to Otani and twice siya na-reject. Masakit un di ba? Ayokong mangyari sa kin un.
*****
Nung mga nakaraang araw, siguro maraming nakakapansin na lagi akong badtrip lalu na after ng italian class ko. Hay. Ewan ko ba. Lagi niya na lang ako pinapalabas. Nag-aaral naman ako. Feeling ko pati ang sama ng pakiramdam ko lagi. Sabi nga ng rummie ko, kailangan ko na daw ng BF. (KONEK?)
*****
Dear Jodi Mango, (OO, dapat may online version na rin siya)
Di ako umaasa na masasagot mo ang hinaing kong ito dito. Di mo naman kasi ata alam tong blogsite ko. Anyway, nawawala na ang pagkacrush ko sa taong binanggit ko sa crush suirvey. Natural nlang ba ito? Hindi ko kasi siya nakikita madalas. Tapos di ko na rin siya nakakatext or nakakachat. Ngayon, wala ata talaga kong crush. Err, binabawi ko na. Madami pa la kong crushes pero feeling ko di nila mapapantayan si crush from crush survey. Ano na kaya ang mangyayari sa kin? (haha. adik e noh) Lam mo un, sa crush/es lang kasi ako humuhugot ng inspiration sa stressful nabuhay ko. (adik talaga) Ano ang masasabi mo dito?
Mula kay,
Nagugulumihanan
*****
Pasaway si mitz. Nagtxt siya sakin, double send pa. Basta ang nafefeel ko lang na gusto niya ipagawa sa akin eh magconfess din kay crush (ung nasa crush survey) which is deinitely disgusting, joke, crazy. As if gagawin ko un. Eh di ko na nga crush ung tao. I mean, nagfafade na nga. Tapos ganun pa. Ano ako parang si Koizumi at ikaw si Nobu na friend ko? Adik ka sis. hahahahahahahah.
*****
Exactly 5 mins ago (joke), nangumusta sa YM si crush. Tagal na naming di nagkachat or whatsoever ha. Pero WALA na e. Wala na naman akong mafeel. =c Masama ito. Parang ung dati lang.
*****
Research na ko. Jan na kayo.

