Sunday, April 26, 2009
My LIFE is a PERFECT PARTY!
Saturday, April 25, 2009
Summer blog blast (haha)
*****
“Kahit ilang milyong quotes ang ipadala mo sa taong gusto mo…
Kung hindi ka niya gusto…
Hindi ka niya itetext.”
-quote from grayz
SABI NI CHERRY NA MATAAS ANG PRIDE: Haller. Nasesendan lang siya ng GM ko no. Wag siya magfeeling. Hehe. At kung minsan man na nagrereply siya sa kowt ko, alam kong hindi dahil sa gusto niya ako or ung kowt ko… kundi flirt lang talaga siya.
REACT NAMAN NI CHERRY NA EMO: Ok lang yun. At least alam niyang naaalala ko siya. Huhu.
SAY NI CHERRY NA WAPAKELS: Tatawa na lang ako. Haha.
*****
Royal Abduction? Hehe.
Naalala ko ang joke na ito nung nagkwekwentuhan kami nila tita adel.
“Ang dami na talagang nakikidnap ngayon noh?”
“Oo nga eh. What if makidnap ang mga apo ni Gloria? (Pres. Gloria Macapagal-Arroyo)”
“Edi nakidnap! Haha. Sana nga.”
“Haha.”
“Ay wag na pala.”
“Bakit?”
“Kasi ung ipangbabayad niya ng ransom, manggagaling sa kaban ng bayan eh.”
“HAHAHA.”
*****
Banner
Natutuwa akong nararamdaman ko na ulit ang presensya mo. Hindi na ako naghahangad na bumalik ka sa dating ikaw. Alam ko kasing kahit maglagay ako ng malaking banner na nagsasabing,
“Bumalik ka na… sa akin.”
---wala ng epekto yun. Pero ok lang sa kin yun. Ang nais ko lang ay bumalik ang dati nating bonding. Yung dating ikaw na nakakapagpangiti at nakakapagpatawa sa akin. Yung asaran natin. Yung dating katabi ko lagi.
Ano pa ba? Ah. Gusto ko lang din sabihin,
“Infairness, nakakamiss ka rin namang loko ka! Panget!!!” :)
hahahahaha.
*****
I think I’m 60 % woman, 40% man.
Kaloka di ba?
*****
INVISIBLE
Ang hirap magkacrush sa taong di mo nakikita. What do I mean? Hindi mo siya madalas kasama. At walang dahilan para magkita kayo dahil di mo naman siya classmate sa kahit anong subject. Aware ka lang sa existence niya.
Friday, April 17, 2009
Kapag nag-isip ang isang seresa.. walang kwenta.
-Ang SPARRows ba ay nakikipag-SPARRing din?
-Bakit andaming magkakapangalan sa mundo? Hindi ba pwdeng gumawa ng batas na nagbabawal sa panggagaya ng pangalan?
-Kung ang make-up ay beauty enhancer, pano na ang mga taong walang beauty? Ano pa ang ieenhance nila?
(To be continued.)
Salamat po SIR VIM! :)
Matatandaan nakakuha ang buong seksyon namin ng "INC" noong ikalawang semestre, AY 07-08, dahil na rin sa aming kapabayaan sa mga hinihingi ng nabanggit na kurso at propesor.
Subalit ngayon, masaya na kami! Haha.
Salamat ulit SIR VIM! Yey! :)
quoted
Yet it's so unsafe. So before you actually fall, just let go.
Face the reality that you'll get hurt either way.
So choose the one with lesser pain. It's just a matter of playing safe anyway."
-naive-
They can come back to you even at unlikely times."
-For one more day, Mitch Albom
But don't get attached enough to get hurt."
-quote from recio
Monday, April 6, 2009
LOSER
di ko matanggap eh ung kakilala ko na 3 nung una, naging dos sa kanya, tapos ako? ako? huhuhuhu.. ang onti ng itinaas ko. cge na, loser na ako. tapos di ko man lang napantayan ung kakilala (errrr..bsta ayoko sa kanya) na naka-1.25 daw sa kanya sa ital. tapos malamang nataasan ako ng classmate ko na mejo nayayabangan ako. sige, kayo na magaling at ako hindi. huhu.
bato-bato sa langit ang matamaan,
GUILTY. hehe. joke.
PIZZA NAMIN SIR!!!!!!!!!!
gusto ko pa kumuha ng ital pero bahala na si batman. ayoko munang makita ang mga taong nabanggit ko sa itaas. hehe. pampalubag-loob.
1.75 lang ako. =(

